DAFUQ
Yung iritang irita ka… Kasi hindi naman dapat ikaw ang gumagawa ng mga bagay na yun pero kailangan para may mangyari naman sa buhay niyo. Tsaka yung pinipilit mong intindihin lahat ng mga bagay para lang wala nang away na maganap. At yung ginagawa mo naman lahat ng paraan kaso hindi mo naman hawak yung mga mangyayari. Dafuq lang! Isang malaking epal sa buhay mga gan’tong nangyayari. Pota. Yung tipong gusto mo nang sumabog! Yung tipong gusto mong layasan mga tao tapos mapagisa for some time. Yung tipong pagod na pagod ka na sa mga sinasabi nila. Yung pakiramdam na sawang sawa ka na sa paulit ulit na nangyayari sa’yo sa araw araw. Leche diba? Yung ang sakit sakit sa pakiramdam ng mga pinagdadaanan mo. Yung punong puno na dibdib mo sa mga sama ng loob at malulungkot na bagay. Yung laging may humahadlang sa dapat na kasiyahan mo. Yung parating ikaw ng ikaw ang gumawa ng mga iyon samantalang dapat sila kasi sila ang may obligasyon nun sa ngayon. Yung tipong dapat nag-aaral ka lang. Yung dapat parati silang nakasuporta sa mga bagay lalo na sa pinansyal na aspeto. Yung tipong hindi dapat ikaw yung nagbibigay ng suportang pangpinansyal kasi hindi pa yun ang responsibilidad mo. Na ang dapat iniintindi mo lang eh yung pag-aaral mo. Yung dapat na katulad ng buhay ng ibang bata na buhay mo rin sana. Na nakatutok sa pag-aaral. Na nakakakain ng sapat sa isang araw. Na maganda mga buhay na may pera. Na may kanya kanyang maayos na gamit. Na nakatira sa bahay na matino. Na nakakagalaw ng ayon sa gusto niya.





